open forum.
sagradong zoom-talakayan
tungkol sa bagong normal sa pagtuturo.
tanong-hiling: puwede bang maglaan
o mag-convert ng klasrum sa pamantasan
para magamit ng mga guro?
“huwag na.”
sabi ng isang eksperto sa remote learning
boses at laptop lang daw ang kailangan
para sa online teaching.
oo nga naman. ang galing! pero
nakalimutang banggitin ng butihing eksperto
ang value ng ambience sa ganitong moda –
dahak ng tambutso, alulong ng aso,
putak ng manok, hilik na kapitbahay,
tunay namang egzayting.
“utot mo!”