Sunday, August 27, 2023

privileged position



silong ng hagdan. 
32 pulgadang kitid
at 48 pulgadang haba. 
kailangang yumuko bago
pumasok nang patagilid 
para di mauntog.

mikropono at ringlayt, 
inorder sa shopee.
di na mahalaga kung 
saan galing ang ipinambili – 
ipon, credit card, utang sa gsis,
provident fund, atbp.

dito ko idinadaos 
ang aking online classes,
dito rin idinudukdok 
ang di mapaglabanang antok.

makukulay na mga mukha. 
pikseladong mga ngiti. 
patay na mga mata.

kaluskos 
sa walang kasinglalim
na dagat ng katahimikan.