Thursday, August 31, 2023

kuwarantin


Umuwi siya mula Saudi. Delta.
Makikipaglibing sana. Para masilayan 
ang inang iginupo ng Covid. 

Kahit sa huling sandali.
Inisa-isa niya ang mga nakipaglamay.  Anim.  
limang kapatid at isang pamangkin.  Wala

ang mga bayaw, nasa ibayong-dagat din.
Tinitigan ang mga mukha. Pabalik-balik.
Kasinglungkot ng krismastri sa sulok ng sala,

walang ilaw. “Kasama mo na si tatay ngayon,”  
bulong niya habang hinahaplos ang urna,  
ang abo ng ina.  Bumakat ang bakas ng kanyang 
mga daliri sa screen ng cellphone.