Ang kamatayan, kailanman hinding-hindi mananaig.
Walang tigil ang lamay, walang patid ang dalamhati. Nakabuhol
sa hangin ang sapot ng panaghoy. Ihinahabilin ng ambon
sa nakangangang lupa ang prusisyon ng pagluluksa,
ang mga hiningang iginupo ng dahas at dalita. Walang patid
ang patak ng abuloy, barya-baryang pakikiramay na ihinuhulog
sa uhaw na garapon sa ibabaw ng kabaong. Barya-baryang
sumuong sa tambang ng dilim upang magtawid ng pag-ibig.

Mahaba pa ang gabi at nangangaligkig sa ginaw ang ulilang
mga mesa at bangko. Nakatiklop ang pakpak ng balita;
kinukulob ng facemask at tsekpoynt ang silakbo ng salita. Nilalagas
ng namumutlang bombilya ang balumbon ng mga bulaklak.
Kumakalahig sa bubong ang babala ng bagong pag-alis – gayong
hindi pa naitatawid ang mga naunang sinundo. Sa tanglaw ng naaanod
na buwan, gayunman, kumakapit ang mga sulyap sa hibla ng pananalig.
Ang kamatayan, kailanman hinding-hindi mananaig.
Ang kamatayan, kailanman hinding-hindi mananaig.
Hindi ganap na nawala ang inilibing. Nakakapit ang kanyang ngiti
sa nakadaong na bangka. Pumupusag kalaro ng mga isda at alon
ang kanyang tinig, ang pag-asam niyang sisirin ang lalim ng dilim.
Hawak niya ang sagwan, ihahatid niya tayo sa laot, doon sa walang
sagabal sa pagtingala sa mga bituin. Doon, uutusan niya ang bundok
na ibalik ang ating mga sigaw at halakhak. Doon, kapiling natin siya,
habang ipinagdiriwang natin ang paghalik ng bagong sinag-araw sa tubig.
Ang kamatayan, kailanman hinding-hindi mananaig.
* inspirado ng tulang “And death shall have no dominion” ni Dylan Thomas.