Leni, pangalan ng bulaklak o bato o alak,
bansag ng bagay na iniluluwal ng lupa at tumatagal,
salitang balon ng pag-usbong at pamumukadkad,
bukang-liwayway na bumubuklat ng rosas na liwanag.
Sa pangalang ito, naglalakbay ang mga barkong kahoy,
hindi alintana ang pulutong ng bughaw-dagat na apoy;
ang mga titik na ito, dalisay na ilog na naglalandas
sa bawat pusong pinipiga ng kasinungalingan at dahas.
O pangalang nasumpungan ng sambayanan sa kadawagan,
lihim na pinto ng maligamgam at liblib na lagusan,
nagmamahal, naghahasik ng halimuyak sa daigdig!
O mabining bibig, hagkan ang aming poot at pagluluksa,
O matang-dilim, haplusin ang aming pagal na gunita;
sa pangalang ito, bayaang baya’y bumangon at maglayag.