Konsultahinang panlasa
pero sundin ang tibok ng bulsa.
Ibandera ang pinagsawaan ng iba.
Maano kung hindi brandnyu,
mabuti nang may pambalabal
sa malaparilyang tadyang
o malatapayang tiyan.
Maano kung di brandnyu,
mabuti nang may pantaklob
sa nangungulubot na lagusan ng utot.