Tiwangwang
man
na
langit
ang
bubong ko ngayong gabi,
mahirap pa ring paunlakan
ang
anyaya
ng bilog na buwan.
Sapagkat
ngayon,
pagkatapos manalanta
ang bulungan ni Meyor
at ni Mr. Smith,
ang buwan
para sa akin
ay ang nakasambulat
na
mga duguang piraso
ng tabla-yero-kartong
kailangang
tipunin at yapusin;
mga tabla-yero-kartong
kanina
lamang
ay kumakalong sa akin,
habang
pinagmamasdan ko
ang
unti-unting pagdilim
ng
langit.