Mahalumigmig ang hangin
at nagliliyab ang mga gunita:
sa salimbayan ng panangis at putok
at pautal-utal na habilin at sigok ni Tatang,
pinasan ko ang krus ng isang tagubilin at panata –
ipagtanggol ang lupa.
Dumakot ako ng dugo sa kinalugmukan ni Tatang;
at nalanghap ko ang kamandag ng hininga
ng mga mangangamkam ng bituka at kapalaran.
Dinampot ko ang asarol at sinimulang hawanin ang burol.
Biniyak ng unang bagsak ng kalawanging pangil na bakal
ang bungo ni Tatang. Dimpaw! Sinong pumaslang
kay Datu Dimpaw, sa nuno ng aking mga ninuno?
Umalingasaw ang pulbura mula sa aking hintuturo,
gumapang at humabi ng pugad sa aking anit,
humukay ng lungga sa ilalim ng aking mga kuko,
tinubuan ng isang batalyong bibig ang buo kong katawan
at sabay-sabay silang nagtalumpati:
There was nothing left for us to do but to take them all,
and to educate the Filipinos, and uplift and civilize them,
as our fellow-men for whom Christ also died.
Tumalungko ako sa bangas na bungo ni Datu Dimpaw,
nilantakan ko ang kanyang utak habang hinahagod ko ng tingin
ang biyaya ni Abal: Akin ang lupaing ito! Mayamaya,
pumailanlang ang koro mula sa isang batalyong bibig:
i’m dreaming of a white christmas,
just like the ones i used to know,
where the treetops glisten, and children listen
to hear sleigh bells in the snow –
At humagok ang kahungkagang humahalukay
sa aking kaluluwa: Niyebe! Niyebe!