Umuulan ng bituin nang igawad mo sa aking noo
ang iyong huling halik: singlamig ng gatilyo
ang iyong labi. Pinisil mo ang palad ko at lumigwak
ang basag-basag na bubog sa aking bibig.
Walang kislap ang iyong ngiti,
pundidong bombilya ang iyong mga mata.
“Inang, anak po ako ng sambayanan.”
Oo, pero sabihin mo sa akin kung paano iwaksi
ang pangamba ng sinapupunang nagluwal
ng luwalhating ngayo’y namamaalam?
Sabihin mo sa akin kung paano pasusubalian
ang pintig nitong dibdib
na bukal ng iyong hininga at pag-ibig?
Unti-unting kumupas ang papaliit mong likod,
hanggang tuluyan kang lunukin ng kasukalan.
At nahulog ako sa balon ng mga tumatangis na ahas,
sinubukan kong umakyat sa nilulumot na pader
ngunit dumulas lamang ang aking mga kuko;
nabitiwan ko ang baul ng resureksyon
mula sa kamandag ng iyong pag-alis
at sumambulat ang mga balahibo at plumahe
ng sanlaksang uwak.
Sa aling bato ko ibabakat ang bakas ng pagbabaka-sakali?
Paano aaninagin ang anino ng sarili sa nagluluksang
lamlam ng mga tala at lilim ng talampas?
Wala akong ibang daan kundi ang sumandig
sa himala ng agimat at pananalig.
Lumuhod ako at ngumanga ang sugat
sa magkabila kong tuhod;
ikinampay ko ang aking mga bisig,
ngunit sa halip na umangat, bumuka mula sa aking kilikili
ang isang gulanit na payong, nakikiusap:
agawin mo ako sa kalawang, haplusan ng langis
ang hukot kong tagdan at bali-baling mga tadyang,
suubin mo ako ng sinunog na palaspas
at ilibing sa puno ng tarangkahan.
Pagkatapos, diligin mo ako ng dasal at pananabik;
hintayin mo ang lagablab ng aking mga talulot.
Pumintig ang panganay na signos
ng iyong pagkawalay sa aking sinapupunan,
nahilam ako sa alat at liyab ng pag-asa at pag-asam
na ligtas kang babalik.
Dumukwang sa bunganga ng balon
ang isang naghihingalong uwak:
ngumanga ako para sahurin
ang patak ng kanyang pagluluksa;
ngunit nanatiling nakalutang sa hangin
ang kanyang luha.
Tigang na lupang nagkabitak-bitak
ang ngalay kong ngala-ngala at dila.