Thursday, August 31, 2023

ulilang paruparo


nakasilip siya 
sa bintana, nakatulala 
sa kalyeng kalaro
ng kaniyang kamusmusan;

gimingaw ang alikabok
sa kandirit ng mga talampakan, 
ang hangin nasasabik
sa taginting ng mga hagikhikan;

sa gitna ng kalye, sa talulot 
ng lagas na bulaklak ng kabalyero,
nakadapo ang isang ulilang 

paruparo.