Nginasab ng takatak ng jack
hammer
ang lahat ng tunog, maliban
sa tikatik
ng kung anong sakit sa
kanyang sintido –
kumakalog
ang kanyang utak,
lumuluwa
ang kanyang mga mata,
singlamig
ng bakal ang kaniyang pawis.
Gumigitaw
ang laway
sa
mga sulok ng kanyang bibig.
Lumalabo umiikot
lumalapit
lumalabo ang buong paligid –
pansit kape
ngiti
ng kaniyang bunso yakap
ng
kaniyang kabiyak
trumpong umikot ang lahat.
Bumulagta ang jack hammer.
Bukas
hindi na nito liligligin ang dating
matipuno
ngunit ngayo’y lamog niyang
katawan;
Bukas muli itong yayakapin
ng tulad niyang gutom na mga
palad
Magpapatuloy ang proyekto.