Tuesday, October 30, 2007

ang pagiging matapat


Ang pagiging matapat
ay kabutihang-ugali
na dapat nating isapuso;
kaya tulad ng kuhol
na ngumangatngat ng dahon,
siya, na ulo ng CHED,
ay nanahimik upang magturo
sa pamamagitan ng gawa
at hindi ng ngawa --
ipinid ang bibig
upang karera'y di mapatid
.

Ang pagiging matapat
ay kabutihang-asal
na dapat nating isabuhay;
kaya tulad ng kuhol
na pinasukot ng asin,
lumukot si neri, inilubog ang ulo
sa laylayan ng saya ng kanyang hepe,
siya, na bungangang umaalingasaw
sa
hello garci at i am sorry.

Monday, October 29, 2007

casual(ty)


Just becoz I’m not a graduate of UP
and I aint got no MA or PhD,
nor do I have the latin surname laude

casual akong puwedeng masisante
anytime, even without notice ‘mare.
Hasa man ako sa mga diskarteng

pangklasrum, mag-somersault man sa klase,
tumimo lang sa student’s kukote
the lessons that I weave araw at gabi.

Gosh! sadya nga bang buhay ay ganire dine
sa ‘ting premiere university?
Gee! tuluyan na nga kayang napundi

ang Liwanag? Ningning ang humalili?
O dear idols ng mga estudyante,
my colleagues, mga kap’wa ko casual(ty)

kumapit sa payroll, wag magpahuli.
Dream! makibeso at maghapi-hapi
luhuran, himurin ang RGEP1








1Revitalized General Education Program ng UP

Thursday, October 25, 2007

sa memory ng bat cave[1]


(pasintabi kay rolando tinio, promotor ng ganitong poetry)


maulan ngayong first day ng sembreak
nakakapit sa curtain ng window
ang lamig ng forest.
naka-embrace ako sa aking knees,
pini-peep ang moss sa branch ng acacia
na naka-canopy sa aming apartment,

parang hair 'yong moss pero di nagmu-move,
di nagsu-sway sa dance ng leaves.

di tulad ng ating hair
na nagi-scatter sa bawat corner ng classroom
pag nabo-blow ng air mula sa electric fan
na puno ng rust at dust at cobweb.

ayaw mag-stop ng ulan
ngayong first day ng sembreak,
ina-attack ako ng memories
ng inyong mga poems at stories,
ng inyong smiles at pangungulit.

(sus! kahirap i-parry ng sama ng loob
na sini-send ng nagka-curve nyong eyebrows
everytime na iri-return kong red na red
ang inyong mga writing assignment.)

at yes, right now napi-prick ang aking conscience
(parang wound sa armpit na naka-soak sa sweat)
ng pag-condemn nyo sa pagdukot, sa pag-salvage
sa mga kababayang nagdi-defend ng human rights.

true, sing-silent ng moss ang inyong pagdating
pero sing-sure din ng pag-stick nito sa branch
ang pag-capture nyo sa aking imagination --

so, walang space para sa sadness
kahit maulan ang first day ng sembreak.






[1]
bat cave – tawag ng mga estudyante sa room hb5 sa silong ng old humanities building sa uplb